Bulacan Polytechnic College

Bulacan, Philippines

Owned and Managed by the Provincial Government of Bulacan

Panibagong gantimpala, nakamit mula sa Mr. and Ms. PGBSportsfest 2022

July 25, 2022

Isa sa mga lumahok ang Bulacan Polytechnic College para sa Mr. and Ms. PGB Sportsfest 2022 na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium ngayong araw, Hulyo 25, 2022 sa ganap na alas-diyes ng umaga.

Sa pambihirang pagkakataon, nakamit ng pambato ng Bulacan Polytechnic College na si Ms. Katrina Flores ang titulo ng Ms. PGB Sportsfest 2022 at nakamit din niya ang Ms. Talent. Ang kaniya namang kapares na si G. Glen Varry Espiritu ay nagkamit ng Mr. PGB Sportsfest 1st Runner-up 2022.

Nakakamangha ang ipinamalas ng dalawa nating kalahok dahil sa nakalipas na dalawang taon ay muling nagkaroon ng ganitong uri ng kompetisyon na pinanalunan pa ng ating dalawang pambato.


Source: https://www.facebook.com/phrmobulacan3000

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10221886414971625&id=1296107048