Bulacan, Philippines
Owned and Managed by the Provincial Government of Bulacan
September 21, 2020
Ika-21 ng Setyembre nagsagawa ng student online orientation ang Bulacan Polytechnic College upang bigyang kaalaman ang mga estudyante at maging ang mga magulang sa mga pagbabagong magaganap dulot ng COVID-19 ngunit gayun pa man ang dalubhasaan ay handa sa hamon ng mapaminsalang virus. Bago ganap na umpisahan ang taong-pampaaralan ng dalubhasaan, ang mga guro ay dumaan sa mga pagsasanay upang ganap na maunaawaan ang mga layunin ng mga bagong kasangkapan at pamamaraan para sa bagong sistema ng edukasyon.
Ang oryentasyon ay naglalayon na bigyang katugunan ang mga katanungan ng mga magulang at maging ang mga estudyante. Lalo't lalo pa na hirap ang karamihan ng mga mag-aaral sa panibagong sitwasyon. Naglunsad ang Bulacan Polytechnic College ng isang plataporma na kung saan ay angkop ang kakayahang makatugon ng mga estudyante mapa-online man o offline na mga gawain. Ang platapormang nabanggit ay ang BPC e-Learning. Ang mga mag-aaral ay may kalayaang mamili ng paraan upang makatugon sa taong-pampaaraalan.
Ang ginawang Online Orientation ay pinangunahan ni Gng. Victoria M. Sison, OIC of the Office of the President at pinamunuan ni Gng. Marissa B. Mendoza, tagapayo ng Student Government.
Masasabing naging mahirap ang naturang oryentasyon sa karamihan ngunit ito ay naging epektibo upang higit na mapaliwanag ang mga nasabing pagbabago sa sistema ng edukasyon.