Matagumpay na naitawid ng dalubhasaan ang unang semestre sa pamamagitan ng blended learning sa gitna ng pandemya. Ang blended learning ay nag umpisa noong ika-21 ng Setyembre taong 2020 upang makapaglatuloy pa rin ng paghahatid ng edukasyon sa bawat BPCian sa kadahilanang nag karoon ng pandemya na Covid19. Sa pagbubukas ng ikalawang semestre ika- 1 ng Marso taong 2021, patuloy paring pinaghuhusayan ng mga guro at naitatawid ang edukasyon ng bawat mag-aaral ng dalubhasaan sa pamamagitan pa rin ng blended learning kung saan ang mag-aaral ay may kalayaang mamili kung sila ay magmo-modular (magda-download ng mga modules mula sa BPC e-Learning, self-study) o online learning/classes.
Sa ulat na ito humingi kami ng kuro-kuro noong ika-29 ng Marso taong kasalukuyan sa ilang guro ng dalubhasaan ukol sa kanilang pulso o palagay sa blended learning ngayong semestre dahil ayon nga kay G.Renato Deguzman instructor ng kursong BSOM, ang sitwasyon na ito ay hindi maikakailang 'Challenging!!!' habang ang ibang guro naman ay ito ang mga naging tugon;
'For now yung nkikita ko is syempre, una, anywhere basta may connection ka okey makaka-connect ka, may matutunan ka. Pangalawa, ang The Portal is accessible 24 hours a day, seven days a week. Time efficiency is another strength brought by the online learning format. Pangatlo is yung creativity as an instructor syempre nadedevelop sya lalo na sa mga technical subject kailangan ko palagi magstep forward kasi kung di ko gagawin yun mas mahihirapan ako, at the same time yung mga bata mahihirapan din sila pagdating ng panahon.'- Harel P. Marasigan, BTVTEd/BSAIS Instructor
'Blended Learning in BPC, despite the fact that it is quite challenging is being pushed through to meet our goals in delivering quality education to augment the necessity. But then, Internet connection still remains an issue not only among students but also among our teachers. As one could imagine, if those who have access online are having some troubles to meet the minimum requirements for the blended learning, how much more could it be to those who opted to go on modular? At the end of the day, at least BPC is doing its best to help our students meet their educational needs for them not to be stopped from schooling.'- Paulo Victoria, BSIS Instructor
'Mayrooong disadvantage and advantage 'yan, medyo mahirap kasi nga online learning and hindi naman lahat makaka-access ng internet and of course yung advantage nito ay we have continuously sa pagkakaroon ng education natin and nakakatulong ito para pagpatuloy ng mga bata na kahit sabihin natin na modular sila ay natututo sila kahit paano, mahirap pero kakayanin basta sama-sama lang po.'- Edwardson "Kenneth" V. Taguinod, SHS/BTVEd/ HRS Instructor
'Blended learning is one of the big changes in our education system nowadays. The teachers and students are both affected by this, which helps them to continue in creating a good environment of learning even in our current situation. Yes, it is not easy but it is not also impossible to achieve. I must say cooperation, passion, and perseverance are some of the key in pursuing great learning system in any kind or mode of learning that we will have.'-Arjay Castillo, HRS/BTVTEd Instructor
Tiyak nga naman na ang bawat BPCian ay mapagtatagumpayang muli ang pag-aaral online kung lahat nga naman ay tulad sa naging tugon ni G. Taguinod na kahit mahirap, basta sama-sama ay kakayanin.
- Jholiena Lynn C. Manalo, Malolos