Bulacan, Philippines
Owned and Managed by the Provincial Government of Bulacan
December 21, 2020
Ang mga Guro na sina Doc. Rosemarie S. Guirre, Doc. Eliseo Amaninche, at Maria Erica SD. Dumlao ay inanunsiyong wagi at at nasali sa finalist sa katatapos lang na ALCU REGION III Search for Model Faculty 2020 noong ika-14 ng Disyembre.
Sila ay lumahok sa iba't ibang kategorya ng Research Category, Community Extension Service Category, at Instruction Category ng nasabing paligsahan.
Matagumpay na naiuwi ni Doc. Rosemarie S. Guirre ang karangalan sa Research Category sa kadahilanang ang BPC lang ang may system sa ODL or Online Delivery Learning habang pasok naman sa Finals si Doc. Eliseo Amaninche sa Extension Service Category dahil sa mga programa na taon-taong pagbisita sa DRT ng mga tinanim na puno ng guro ng BPC, mga Livelihood Training Programs at pagiging 3rd rank sa pag suporta sa Provicial Health Blood Bank sa pamamagitan ng Blood letting; at si Ma'am Maria Erica SD. Dumlao dahil sa kanyang magandang layunin, debosyon sa pagtuturo at paraan nang paggabay sa kanyang mga estudyante at pakikiisa sa mga extended service tulad ng TES at Tanglaw Pag-asa na pasok din sa finals ng Instruction Category.
Nang tanungin naman ang mga nakatanggap ng parangal sa kung ano ang naging inspirasyon o preparasyon nila, ito ang kanilang mga naging tugon.
Ayon kay Doc. Guirre, "Hindi naman talaga sumagi sa isipan ko ang patungkol sa search model na ito dahil ng mga panahong ito ay nakatuon ako sa pagpaplano para sa nalalapit na semester bilang tugon sa hamon sa dalubhasaan. Hanggang sa sinabihan ako ni OIC Beth noong Agosto 18, 2020 na mapapabilang ako sa mga kalahok para sa ALCU REGION III Search for Model Faculty. Sa kabuuan ng preparasyon hanggang sa mismong araw ng patimpalak isang katanungan lang ang tumatak sa aking isipan at ito ay ang 'Ano nga ba impact ng aking research sa lipunan?' At ito ang aking sinabi, napadali nito ang bawat proseso upang makasabay sa nakapaligid na dalubhasaan at ipagpatuloy ang kalidad ng edukasyon sa kabila ng hamon nito dulot ng pandemya."
Ayon naman kay Doc. Amaninche, ang kanilang mga naging ambag sa katatapos lang na patimpalak ay isa sa mga naging daan upang lubos na makilala ang galing ng mga Gurong BPCians.
"Teaching is more than an 8 hour job. To educate is to become affectionate. As a teacher, you need to do beyond what is expected of you. And usually, it is not happening inside the classroom. Guiding and helping the students especially doing extended services like TES and Tanglaw Pag-asa. My remider to myself everyday is to be the reason someone believe in good people", tugon naman ni Ma'am Dumlao.
Sabay na rin ng pagkilala kay Doc. Guirre sa ALCU REGION III, siya rin ay pinarangalan bilang isa sa mga Awardees para sa Gawad Dakilang Frontliners 2020 dito sa Lalawigan ng Bulacan.
-The Sentry