Bulacan, Philippines
Owned and Managed by the Provincial Government of Bulacan
September 28, 2020
"Hindi ako papayag na mahinto ang edukasyon sa BPC kahit may pandemic" - Dr. Rosemarie S. Guirre, MIS Dept. Head
Ika-28 ng Setyembre, ipinaliwanag sa ginanap na Student Online Orientation ang kakayahan ng BPC e-Learning application na tila all-in-one ang app na ito ayon kay Dr. Rosemarie S. Guirre, dahil ang BPC e-Learning ay may Real Time Grading ng Assessment, Attendance Monitoring, Enrollment, Message Interaction, Lesson Creation na pdf, word, video or power point na nakaugnay sa google meet sa bawat kurso na kinabibilangan ng mga estudyante kung saan ginaganap ang online class, ang mga modyul at mga pagsusulit o aktibidad ay maaring ma-akses ng mga estudyante na kung saan nakikita rin nila ang kanilang mga grado at progreso sa kursong kanilang kinabibilangan. Sa app din na ito maaaring makapag-imbak ng personal na files ang mga BPCian. Ang nasabing BPC e-Learning ay maaaring makuha sa Google Play Store, Windows Store, maaari rin magamit sa browser at sa buwan ng Nobyemre ay maaari na rin makuha sa Apple Store para sa mga mag-aaral o guro na IOS users.
Ang BPC e-Learning app ay ginawa bilang katuwang sa pag tuturo at pagpapalaganap ng kaalaman sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng online class ang application na ito ay dinebelop ng mga programmers ng Bulacan Polytechnic College na sila Dr. Rosemarie S. Guirre - MIS Dept. Head, Dan Villareal - Senior Moodle Expert Developers, Charles Carlo Baltazar - BPC teacher/ Best Programmer (2020-2021), at Marc Jherico Sumilang - Best Programmer (2019-2020). Kahit matapos na ang pandemya ang app ay plano parin na patuloy gamitin upang manatiling plataporma sa online class para sa mga working student at ng mga nasa bahay lang upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaaral.
Ayon kay Dr. Rosemarie S. Guirre, madaming pagsubok ang hinarap bago magsimula ang pasukan - revision, updates at upgrades pero ito ay napakinibangan ng halos apat na libong (4,000) users. Tunay nga naman na ang Bulacan Polytechnic College ay nagkaroon ng pagtugon na harapin ang mga limitasyong idinulot ng Covid-19 sa larangan ng edukasyon. Pagpapatunay lamang na ang BPC ay katuwang ng bawat kabataang Bulakenyo na abutin ang pinakamagandang antas ng edukasyon.