Bulacan Polytechnic College

Bulacan, Philippines

Owned and Managed by the Provincial Government of Bulacan

'BPC, I Pledge!' Inilunsad Na

January 11, 2019

"No Deadline and No Time Limit Project" - SG President Miguel Don Gatchalian

Kasabay ng selebrasyon ng kapaskuhan ay ang opisyal na paglunsad ng bagong proyekto na "BPC, I Pledge!" or Community Beautification I Pledge Project nitong ika-20 ng Disyembre.

Ang proyektong ito ay naglalayong mas pagandahin ang pamantasan ng Bulacan Polytechnic College kung saan ang bawat estudyante, teaching or non-teaching staff, at kahit mga Alumni ng dalubhasaan ay maaring tumulong at magbigay ng donasyon para sa pagpapaganda ng kanilang pangalawang tahanan.

Nabuo ang I Pledge project na may konseptong thumbmark and tree, iniayon ang konseptong ito sa tree planting o pagre-rejuvinate ng isang punong tuyot kung saan ang bawat bukas-palad na magbibigay tulong ay mag ple-pledge gamit ang pagbabakas ng kinulayang hinlalaki sa bawat sanga ng puno hanggang sa mapuno ito ng mga thumbmarks at muling maging makulay at luntian, isang senyales ng buong pusong pakikilahok at patuloy na pagyabong ng proyekto.

Inilunsad ito ng Student Goverment Organization sa tulong ng The Sentry Adviser na si Jayson Himor at Dean of Student Affairs na si Marissa Mendoza. Ayon kay Miguel Don Gatchalian, Presidente ng SG, dumaan sa masusing pagpaplano at mga meetings bago ito maaprubahan ni Dr. Perlita Cruz, College President, na siya namang nangunguna sa pagsuporta sa layunin ng proyekto.

Sa karagdagan, naipahayag ng SG President na ang proyektong ito ang nais niyang maging pamana sa pamantasan, isang walang hanggang pagtulong.