Bulacan Polytechnic College

Bulacan, Philippines

Owned and Managed by the Provincial Government of Bulacan

Bulacan Polytechnic College Chorale, nagtanghal sa Umagang Kay Ganda

December 10, 2018

Isang magandang umaga ang sinalubong ng Bulacan Polytechnic College Chorale nitong Biyernes ng umaga ika-23 ng Nobyembre, 2018 nang magtanghal sa kilalang TV show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda upang kumanta ng isang Christmas song.

Nag umpisa ang lahat nang magpadala ang TV network na ABS-CBN ng e-mail para sa Bulacan Polytechnic College kay Inh. Arman Giron upang imbitahin ang chorale ng pamantasan na magtanghal sa nasabing TV show. Ang imbitasyon na ito ay hindi inaasahan ng grupo kaya't kahit final exams ay pinaghandaan nila ng maigi upang maging maganda ang kalalabasan at maipagmalaki ang institusyon.

"Masarap sa pakiramdam na naipakita namin ang aming talento sa isang kilalang show sa telebisyon at malaking karangalan na mai-represent ang sintang pamantasan na Bulacan Polytechnic College", ayon kay John Patrick Go, isang miyembro ng chorale.

Ipinalabas ng live ang pagkanta ng Bulacan Polytechnic Chorale kasama si Martin Librejo, ang conductor ng nasabing grupo.