Bulacan Polytechnic College

Bulacan, Philippines

Owned and Managed by the Provincial Government of Bulacan

BPC nakiisa sa pagdiriwang ng Fiesta Republika at 2018 Iskulimpiks

January 26, 2018

Upang makiisa sa ika-119 anibersaryo ng araw ng Republikang Filipino na may temang: "Unang Republikang Filipino, patnubay sa pagsulong ng bansa", ang Bulacan Polytechnic College (BPC) ay lumahok sa idinaos na Iskulimpiks sa panguguna nina Dr. Perlita M. Cruz at Gng. Victoria M. Sison, MaEd kasama ang mga guro nitong Enero, taong kasalukuyan.

Ang nasabing kompetisyon ay mayroong iba’t ibang kategorya na siya namang nilahukan ng mga piling mag-aaral ng BPC senior high school kung saan ang paaralan ay nag-uwi ng mga parangal.

Unang idinaos ang karera ng kasaysayan kung saan nakamit ng mga mag-aaral ng BPC ang ikatlong puwesto, ito ay kinabibilangan nina Reginald Crisostomo, Patrick Padasas, Lorelyn Lupango at Julius Francisco kasama ang kanilang gurong tagapagsanay na si G. Jene Sotto.

Sumunod dito ay ang palaro ng lahi na kinabibilangan ng dalawampung (20) mag-aaral sa SHS na nakasungkit ang kampyonato sa luksong lubid, ikalawang puwesto sa kadang kadang at sack race sa patnubay ng kanilang gurong tagapagsanay na si Gng. Flor Maroto.

Kasabay na idinaraos ang tagisan ng talino at kaalaman sa kasaysayan o quizbee na dinaluhan ng mag-aaral na si Vanessa Manalo na naiuwi ang ikatlong puwesto sa tulong ng kaniyang gurong tagapagsanay na si Gng. Marjorie Victoria.

Kinatawan din nina Angel Kate Manalili at Jerome Rivera ang BPC sa ginanap na Ginoo at Binibining Kampus Idol na ginabayan naman ng kanilang gurong tagapagsanay na si G. Jayson Himor.

Nakiisa ang mga mag-aaral ng BPC at miyembro ng Junior Dagyaw sa patimpalak ng kasaysayawan sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapagsanay Gng. Delailah Orillasa. Ang Iskulimpiks ay nilahukan din ng mga paaralan sa Lungsod ng Malolos kabilang na ang Malolos Fishery and Laboratory High School, Marcelo H. Del Pilar National High School (JHS at SHS), ACLC-Malolos, STI-Malolos, CMIS-Atlag, Pamarawan National High School at Divine Polytechnic College.